Task force Bangon Marawi, kumpiyansang matatapos ang Marawi rehab sa 2021

Task force Bangon Marawi, kumpiyansang matatapos ang Marawi rehab sa 2021

December 1, 2020 @ 5:38 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tiwala si  Task force bangon marawi chairman at Department of human settlement and Urban development sec. Eduardo del rosario na mami-meet nila ang target na matapos hanggang sa december 2021 ang rehalibitasyon ng marawi city.

Ito’y makaraang magtamo ng matinding pagkasira dahil sa ilang buwang  bakbakan ng tropa ng pamahalaan at maute Isis group.

Sa laging handa briefing sinabi ni del rosario na  lahat ng ongoing projects doon ay matatapos sa “early part”  ng 4th quarter o pagsapit ng  Agosto o  Setyember ng susunod na taon.

Subalit, sinabi ni del rosario na  karamihan sa mga ito ay matatapos sa unang bahagi ng 4th quarter.

May ilang projects naman aniya ang nasimulan na, at noong nakaraang Biyernes ay nagkaroon na aniya ng groundbreaking Ceremony para sa 50-bed capacity hospital Ng Mga local GoVerment unit.

Habang ang iba pang proyekto ay inaasahang mailulunsad sa buwan ng enero ng susunod na taon.

Sinabi pa ni del rosario, tiwala silang makukumpleto ang mga nalalabing proyekto sa marawi city sa loob ng siyam hanggang labindalawang buwan. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...