Task Force Kasanag tuloy lang sa paglaban vs tiwaling opisyal ng gobyerno

Task Force Kasanag tuloy lang sa paglaban vs tiwaling opisyal ng gobyerno

July 4, 2022 @ 11:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa mahigit 300 kataong may katungkulan sa gobyerno ang kinasuhan ng Task Force Kasanag sa nakalipas na mahigit isang dekadang pakikipaglaban nito laban sa korapsyon.

Ito ang paglilinaw ni Kasanag President John Chiong sa sensiridad ng grupo sa paghabol sa mga tiwali sa gobyerno.

Hindi aniya kayang bilhin ang kanilang katapatan sa bansa laban sa mga corrupt na government officials. check over here

Binigyang diin ni TFK President John J. Chiong na ang pagtatayo ng organisasyon ay hindi biro at madali.

“Dalawang taon, tatlong taon manghina ka talaga kung walang commitment”, sabi ni Chiong.

Ito ang paniniyak ni Chiong kaugnay ng pagsasampa kamakailan ng kaso laban sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways at tatlong Partylist representatives.

Sa letter-complaint ng TFK International kay Ombudsman Samuel Martires noong Hunyo 8, 2022, pinaiimbestigahan ng grupo ang umano’y maanomalyang bilyong peso project ng tatlong Partylist representatives sa posibleng paglabag sa Anti Graft and Corrupt Practices Act.

Noong Hunyo 14, 2022, nagpatawag ang TFK na grupo ni John Chiong ng press conference sa Max’s Restaurant, Quezon Avenue, Quezon City upang ipaalam sa pamahalaan ang mga maanomalyang transaksyon sa ilang mga ahensiya ng gobyerno.

Pagkatapos ng presscon, noong Miyerkules, Hunyo 15, 2022 agad na sumulat ang Task Force Kasanag kay Bureau of Maintenance director Ernesto Gregorio, Jr. ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang ipaalam ang imbestigasyon ng Rockfall Protection System.

“Tuloy ang paghahanap ng karagdagang mga ebidensya. Napakalakas ng kaso laban sa kanila dahil ako mismo nagpunta sa area, ako mismo nag imbestiga”, sabi ni John J. Chiong ng TFK.

Sinabi Chiong na buo ang paniniwala nila sa TFK na kaya ng bagong Administrasyon na puksain ang korapsyon sa gobyerno.

“Tulung-tulong tayo….Tayo ay naniwala na ang nakaupong PRESIDENTE ngayon ay kaya at may kakayanang puksain ang korapsyon,” sabi pa ni John J. Chiong. Dave Baluyot