Task force na tututok sa monkeypox, hindi na kailangan – Dr. Solante

Task force na tututok sa monkeypox, hindi na kailangan – Dr. Solante

August 2, 2022 @ 3:27 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Hindi na kailangan na bumuo pa ng isang task force na tututok lamang sa monkeypox.

Sa Laging handa public briefing, isinabi ni Infectious Disease Expert Dr Rontgene Solante na hangga’t may guidelines na nakalatag o ilalatag ang Department of Health (DOH) ukol sa nasabing sakit ay hindi na kailangan pang bumuo pa ng isang task Force.

Aniya, ‘layer’ lang ang mangyayari kung ito ay gagawin pa at sapat na ang naging karanasan ng bansa sa COVID 19 para harapin ang sakit na monkey pox.

Giit pa ni Solante na proper coordination lang ang kailangan sa pangunguna ng DOH at ng mga attached agencies nito gayundin ng mga departamento na may kinalaman sa pagkontrol sa naturang sakit.

Tinukoy ni Solante ang Bureau of Quarantine at ang magiging papel ng mga Local Government Units ( LGUs). Kris Jose