Task Force ng NAIA hirap sa pagdagsa ng mga umuuwing Pinoy

Task Force ng NAIA hirap sa pagdagsa ng mga umuuwing Pinoy

January 13, 2021 @ 4:51 PM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagsisilbing hamon para sa NAIA Inter Agency Task Force ang pagtanggap sa mga bumabalik na Overseas Filipino Workers at Non-OFWs dahil sa kakulangan ng quarantine facilities.

Batay kay Philippine Coast Guard (PCG) Commander Edyson Abanilla, limitado na ang quarantine facilities dahil sa pagdagsa ng repatriated OFW mula sa 33 bansa.

Nauna ngang nagpatupad ang gobyerno ng travel ban sa mga bansang United Kingdom, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong SAR, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain, at United States.

Isinunod din dito ang Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, Brazil, Austria at Oman.

Sa ngayon, puno na ang mga pasilidad sa New Clark City sa Pampanga, Batangas at Tagaytay sa Cavite area habang sa Metro Manila naman, tanging Sogo at Nice motel ang aprubadong quarantine facilities sa ilalim ng Oplan Kalinga Center. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...