Task force para sa seguridad sa mga paaralan, inihirit

Task force para sa seguridad sa mga paaralan, inihirit

January 24, 2023 @ 7:30 PM 6 days ago


MANILA, Philippines- Kasunod ng mga insidente ng karahasan na nangyayari mismo sa loob ng mga paaralan, isinisulong ng isang mambabatas ang pagbuo ng Task Force on School Safety upang matutukan ang seguridad ng mga estudyante.

Hinimok ni House Committee on the Welfare of Children Chairman at BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co ang Department of Social Welfare and Development, Department of Education, Department of the Interior and Local Government at Department of Justice na bumuo ng task force para agad maresolba ang mga kaso ng stabbing, suicide at iba pang karahasan sa mga eskuwelahan.

Ang panawagan ni Co ay kasunud ng nangyaring pagkamatay ng Grade 7 student na sinaksak ng kaeskwela sa Culiat High School sa Barangay Culiat, Quezon City.

“This stabbing incident cannot be just an isolated incident because there have been many other fatal stabbings and violent acts involving students and also teachers. There may be a need to put in place more safeguards at schools and in communities, as well as new processes on case management. Even added measures are needed whenever there are violent incidents during sports activities and post-incident,” pahayag ni Co.

“It is high time that these agencies make sure there are case follow-ups and a continuing database of cases should be maintained,” giit pa nito.

Binigyang-diin pa ni Co na kailangan ng crisis response measures at psychological debriefings sa mga estudyante sa mga ganitong sitwasyon dahil hindi lamang ang biktima o pamilya nito ang naapektuhan kundi ang buong school community. Gail Mendoza