Tatakbong konsi, 2 kasama tigok sa ambush sa Pampanga

Tatakbong konsi, 2 kasama tigok sa ambush sa Pampanga

December 1, 2021 @ 9:19 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinaulanan ng bala ang isang kakandidatong konsehal, at dalawa nitong kasamahan sa loob ng kanilang sasakyan sa San Simon, Pampanga.

Ayon sa pulisya, kinilala ang mga biktimang sina Rogelio Salvador Jr., dating chairman sa Barangay Concepcion, ang kanyang drayber at isa pang kasama sa loob ng SUV>

Nangyari ang pananambang sa Bambang Road sa Barangay San Miguel.

Sa ngayon ay nagkasa na ang pulisya ng special investigation task group para tutukan ang kaso.

Naglaan din ng P500,000 pabuya ang lokal na pamahalaan ng San Simon para sa makapagbibigay ng impormasyon sa ikalulutas ng krimen. RNT