Tatay ng magiging anak ni Angeline Quinto, hindi pinangalanan!

Tatay ng magiging anak ni Angeline Quinto, hindi pinangalanan!

December 11, 2021 @ 10:33 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Nagulantang ang fans at supporters ng singer/actress na si Angeline Quinto matapos ianunsiyo ni Ogie Diaz na positibong buntis ito at lalaki ang ine-expect na gender.

Ang source ni Ogie, common friend nila ni Angge.

May pag-anunsyo man na ginawa ang talent manager/comedian, hindi pa rin naniniwala ang karamihan dahil gusto nilang manggaling ito sa bibig mismo ng singer/actress.

Netizens, your common wish is now granted!

Sa pagsalang ni Angge sa “The Purple Chair Interview”, kinumpirma nito ang pregnancy at manganganak na nga sa April!

Tinanong ito ni Boy Abunda, host nang nasabing show kung ano nga ba ang ibig sabihin ng “New life. Chapter 1” post nito na nagbigay palaisipan sa maraming tao at doon na nga napa-amin ang aktres.

“Kaya ko po na-post ‘yun dahil kay Mama Bob, at pangalawa po kasi, magiging nanay na rin ako,” very clear na sagot nito na nagbalot ng excitement, hindi lang sa mukha niya kundi pati sa host.

Hindi na rin pinalampas ng King of Talk ang pagkakataon na maitanong kung sino ang ama ng bata.

Nakilala niya umano ito dahil sa boyfriend ng kaibigan, nag-date, at nagtuluy-tuloy. Mahigit isang taon na sila ng kanyang non-showbiz partner pero tumangging pangalanan sa interview.

“Pangalan?! Tito Boy, ite-text ko na lang po sa inyo. O kaya ID niya bigay ko po sa inyo Tito Boy para alam niyo rin saan nagwo-work,” tawang tawang biro nito.

Bukod dito, binuksan rin ni Abunda ang lesbian issue na noon pa ibinabato kay Angge.

“Tito Boy, ang lagi kong sinasabi, talagang boyish ako. So baka nami-misinterpret ng iba ‘yung pagiging gano’n ko,” paglilinaw ng singer.

Naririnig niya umano ang issue pero hindi niya pinapansin. There was a time pa nga aniya na may nagsasabing naging jowa niya si KC Concepcion na parehong pinagtawanam nila ni Tito Boy.

“Mahiya naman ako kay Mama Sharon kung jowain ko siya!” panibagong biro nito.

Confirmed na nga ang pregnancy ni Quinto. For sure matatahimik na ang utak ng mga fans niya sa kakaisip ng totoo.

Sarado na rin ang lesbian issue about sa aktres na according to Tito Boy, not an issue naman pero maganda na ring i-clear. (Couldn’t agree more.)

Mas marami na ngayon ang excited sa mukha ng anghel na ilalabas ni Angge. Magaling rin kaya kumanta? Hehe. Paula Jonabelle Ignacio