Tatlo, arestado sa tangkang pagpuslit ng mga baril

Tatlo, arestado sa tangkang pagpuslit ng mga baril

July 16, 2018 @ 10:37 AM 4 years ago


 

Cebu, Philippines – Nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ilang piraso ng baril na pinagtangkaang ipuslit patungong Mindanao.

Ayon sa PCG, umabot sa 46 unit ng  kalibre. 45  baril at mga magasize ang nakumpiska  sa mga suspek na sina Velina Cubol, 36 , Flora Mae Cubol, 35 at Maria Bella Manot,55 na pawang mga residente ng Brgy. Suba, Danao City, Cebu.

Kasama ng  Coast Guard K-9  Central Visayas  at Coast Guard Sub-Station sa pag-inspeksyon sa dala-dala ng mga suspek sa Samboan, Cebu.

Kapwa dinala naman sa Samboan PNP ang mga naaarestong suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa  Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation dahil sa nakuhang mga iligal na armas. (JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)