Tatlong hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkuwentro sa Camarines Norte

Tatlong hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkuwentro sa Camarines Norte

July 5, 2018 @ 1:03 PM 5 years ago


 

Camarines Norte – Patay ang tatlong hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkuwentro sa pagitan ng sundalo ng gobyerno sa bayan ng Jose Panganiban sa probinsiya ng in Camarines Norte, kaninang umaga (July 5, 2018).

Ayon kay Capt. Joash Pramis, spokesperson ng 9th Infantry Division, ang mga sundalo ay nagpapatrolya alas-6:30 ng umaga nang mapasabak sila sa putukan laban sa hindi pa nadedeterminang bilang ng komunistang rebelde sa Sitio Banasi, Barangay Sta Cruz.

Tumagal ang mainit na bakbakan sa pagitan ng elemento ng militar at ng NPA ng halos isang oras na ikinamatay ng tatlo sa mga miyembro ng NPA.

Hindi pa rin tukoy ang pagkakakilanlan ng mga namatay na rebelde habang narekober naman sa pinangyarihan ng engkwentro ang dalawang M16, AK47 at M14 rifles, launcher ng Granada, at dalawang improvised explosive devices ayon pa kay Pramis.

Wala namang naitalang nasugatan sa parte ng sundalo ng gobyerno habang patuloy naman na pinaghahanap ng army troops ang iba pang rebelde na nakatakas matapos ang engkwentro. (Remate News Team)