Tatlong isyu, posibleng anggulo sa pamamaslang sa alkalde sa Nueva Ecija

Tatlong isyu, posibleng anggulo sa pamamaslang sa alkalde sa Nueva Ecija

July 4, 2018 @ 1:47 PM 4 years ago


Nueva Ecija – Walang koneksiyon sa iligal na droga ang motibo sa pananambang kay General Tinio Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote kahapon.

Ito ang kinumpirma ni PNP Regional 3 Director Chief Supt. Amador Corpus sa isang panayam at sinabing hindi kasama ang alkalde sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ngayon din aniya ay may tatlong isyu nang pinag-aaralan ang Special Investigation Task Group na posibleng motibo sa pamamaslang kay Mayor Bote.

Pero ayon pa kay Corpus,masyado pang maaga para sabihin kung ano ang motibo sa krimen pero lahat anya ng anggulo ay kanila nang pinag-aaralan.

Bukod dito, nakausap na rin nila ang mga security ng alkalde at sinabing wala itong death threat na natatanggap kaya kinakaya nitong lumabas nang walang kasamang body guard. (Remate News Team)