Malabon City – Timbog ang tatlong hinihinalang drug personalities kabilang ang 17-anyos na binatilyo sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) kagabi (July 14) sa Malabon City.
Kinilala ni NPD director Chief Supt. Gregorio Lim ang mga naarestong suspek na sina Rocky King Jakosalem alyas “Iking”, 27, kanyang kapatid na si alyas “JR”, 17 at Randy Rubio, 35, pawang mga residente ng Brgy. Longos.
Base sa imbestigastyon ni PO3 Evan Santos, dakong alas-9 ng gabi nang isagawa ng pinagsamang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) at District Special Operation Unit (DSOU) sa pangunguna ni P/ Insp. Danilo Songalia sa mga suspek sa Block 12, Phase II, Area 3, Brgy. Longos.
Nang iabot na ng mga suspek ang isang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga sa P1000 sa isa sa operatiba na nagpanggap na poseur-buyer ay agad inaresto ang mga ito.
Narekober sa mga suspek ang apat na heat sealed transparent plastic sachet ng nasa 18 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P100,000 street value ang halaga, buy-bust money at P14,000 boodle money. Roger Panizal