Tatlong mag-anak, patay sa paglubog ng bangka

Tatlong mag-anak, patay sa paglubog ng bangka

July 9, 2018 @ 3:02 PM 5 years ago


Camarines Sur – Tatlong miyembro ng pamilya ang nasawi habang nasa tatlong iba pa ang pinaghahanap makaraang tumaob ang kanilang sinasakyang bangkang de motor sa bahagi ng Buhi Lake sa Buhi, Camarines Sur kagabi.

Batay sa report ng Buhi police, lulan umano ng motorized banca ang labindalawang magkakamag-anak nang bigla itong tumaob sa hindi pa batid na dahilan bandang alas-8:15 ng gabi ng Linggo.

Agad na nasagip ang pitong miyembro ng pamilya.

Nakilala ang mga nasawi na sina Soldedad Siocson, 58 anyos; Liza Siocson, 48 at Gabriel Bejerano, 3 taong gulang.

Ang mga nawawala naman ay sina Joshua Bejerano, 12 taong gulang; at Jonas Menorca, 6 na taong gulang.

Kasabay sa paghahanap sa dalawang nawawalang menor de edad ay patuloy rin ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa nangyaring trahedya. (Jeff Gallos)