Tatlong rhino poachers sa Africa, nilapa ng leon

Tatlong rhino poachers sa Africa, nilapa ng leon

July 7, 2018 @ 2:09 PM 5 years ago


Africa – Kinain ng leon ang tatlong magnanakaw ng mga rhinoceros sa isang game reserve sa South Africa, ayon sa may-ari ng lugar nitong Huwebes.

Isang ranger sa Sibuya Game Reserve sa Eastern Cape ang nakadiskubre ng mga labi ng mga tao malapit sa pride ng mga leon nitong Martes.

“We suspect three were killed by lion,” ayon kay Nick Fox, may-ari ng Sibuya.

Isang palakol at tatlong pares ng sapatos at guwantes ang natagpuan nang dumating ang mga awtoridad. Narinig umano na gumagawa ng komosyon ang mga leon noong Lunes ng madaling araw.

“We thought they must have been rhino poachers but the axe confirmed it,” ayon kay Fox.

“They use the rifle to shoot the animal and the axe to remove the horn.”

Sa South Africa matatagpuan ang 80 percent ng mga rhino sa buong mundo.

Nauubos na ang populasyon ng mga ito dahil sa mga poachers na ibinebenta sa Vietnam at China ang sungay ng mga rhino.

Higit sa 1,000 rhino ang napatay sa South Africa noong nakaraang tao. (Nats Taboy)