Tatlong tulak ng droga, huli sa buy-bust sa QC

Tatlong tulak ng droga, huli sa buy-bust sa QC

July 17, 2018 @ 8:36 AM 5 years ago


 

Quezon City – Arestado ang tatlong tulak umano ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Payatas B Quezon City kaninang madaling araw.
Target ng buy-bust operation si Joseph Pabella alias Buang, 19 taong gulang, na nabilhan ng operatiba ng limangdaang pisong halaga ng shabu.
Naaresto rin sina Joshua Sollamo at Sonny Gutierrez.
Nagkasugat pa sa ulo at braso si Gutierrez matapos tumakbo at magtangkang tumakas.
Nakuha sa mga suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu at weighing scale.
Itinanggi ng mga suspek na nagtutulak sila ng droga.
Ang mga basurerong sina Pabella at Sollamo ay pumunta lang daw sa lugar para umiskor ng shabu.
Ayon sa mga tauhan ng barangay, ginagawang drug den ang bahay kung saan naaresto ang mga suspek.
Hindi naman masabi kung sino ang may-ari ng bahay.
Si Gutierrez daw ay inireklamo rin ng isang residente dahil sa pagnanakaw ng telebisyon.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.