Tattoo artist, kasamang tulak laglag sa drug buy bust ops

Tattoo artist, kasamang tulak laglag sa drug buy bust ops

December 4, 2022 @ 2:04 PM 2 months ago


MALAY, Aklan – Laglag sa mga awtoridad ang tattoo artist at kasama na umano’y tulak ng illegal na droga sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad noong Biyernes, Disyembre 2 sa isla ng Boracay sa bayang ito.

Kinilala ni PLt. Conrado Espino, ng Malay Municipal Police Station, ang mga nadakip na suspek na sina Thomas Montecarlo, 25-anyos ng Libertad, Antique at Dan Angelo Santos, 39-anyos, taga Marikina.

Batay sa report ng pulisya, nakabili sila ng isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu kay Montecarlo kapalit ng halagang P1,000.00.

Sa isinagawang body search ng pulisya, narekober rin ng pulisya kay Montecarlo ang dalawa pang sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Nakuhaan din ng dalawang sa pakete ng pinaghihinalaang shabu, isang plastic sachet ng dried marijuana at wooden pipe na may lamang dried marijuana si Santos.

Sinabi ni Espino, target nila sa operasyon si Montecarlo matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa illegal nitong gawain.

Subalit pagdating nila sa nasabing lugar nagulat na lamang sila na kasama nito Santos.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek na nakakulong sa lock-up cell ng Malay-PNP. Mary Anne Sapico