Tauhan ng alkalde, kritikal sa pananambang

Tauhan ng alkalde, kritikal sa pananambang

March 18, 2023 @ 10:24 AM 2 weeks ago


POLOMOLOK, Cotabato- Kritikal sa ospital ang isang tauhan ng alkalde matapos tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem habang papasok ang una sa munisipyo kahapon ng umaga sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si dating councilor Rhyolite Agregado Balili, at ngayon ay assistant secretary ni Polomolok Mayor Bernie Palencia.

Batay sa report ng Polomolok Municipal Police Station, umaga ng Biyernes sakay ang biktima ng kanyang kotse at papasok na sa Gate 3 ng municipal government compound ng hintuan ito ng riding-in-tandem.

Dito, pinaulanan ng bala ng baril ng sasakyan ng biktima at tinamaan ito sa iba’t ibang parte ng katawan.

Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon habang dinala naman sa ospital ang biktima para lapatan ng lunas ang mga tinamong tama ng bala ng baril sa katawan.

Sa ngayon nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran ikadarakip.

Magugunitang noong buwan ng Enero 2023 tatlong kasapi ng Civil Security Unit (CSU) ng Polomolok LGU ang pinagbabaril patay ng mga hindi kilalang suspek at hanggang ngayon ay blangko pa rin ang mga awtoridad. Mary Anne Sapico