Tauhan ng PH consulate sa Hawaii, pinatay ng asawa

Tauhan ng PH consulate sa Hawaii, pinatay ng asawa

October 9, 2022 @ 10:09 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang tauhan ng Philippine consulate sa Honolulu, Hawaii makaraan patayin ng asawang matagal na nitong hindi nakakasama.

Ang biktima ay kinilala ng mga matagal na nitong kaibigan na si Teresita Canilao, na napatay sa loob mismo ng tinitirahang apartment sa Ala Moana.

Sa ulat naman ng Honolulu police, tumawag sa 911 ang 81-year-old na si Rogelio Canilao maghahating-gabi nitong Huwebes, Oktubre 7 upang i-report na mayroon umanong isang babae ang napatay.

Nang dumating umano ang mga otoridad sa lugar ng pinangyarihan ay nakita nila ang biktima na nagtamo ng iba’t ibang tama sa katawan.

Kalaunan ay ipinagtapat ni Rogelio na siya ang pumatay.

Sa ngayon ay nakikipagtulungan na umano ang Philippine Consulate sa Honolulu upang imbestigahan ang naturang insidente.

“The Philippine Consulate in Honolulu deeply laments reports of the death of one of its employees, a long-time local hire. The Consulate awaits official confirmation and shall continue working with local authorities investigating the case. Out of deference to the family, the Consulate refrains from making any further comment,” ayon sa statement. RNT/JGC