Taulava balik-laro sa PBA

Taulava balik-laro sa PBA

December 6, 2021 @ 2:21 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Inaasahang nang magkakalat sa PBA si veteran player ng NLEX na si Asi taulava mtapos itong ilagay sa active list ng koponan.

Ayon sa ulat, kasama ang Fil-Tongan player sa 15-man roster na inilista at maglalaro sa 2021 PBA Governors’ Cup.

Mismong si NLEX coach Yeng Guiao ang nakapuna na sa edad ni Taulava ay maganda pa rin ang kanyang pangangatawan.

Malaki pa rin umano ang magiging kontribusyon sa koponan ni Asi at kaya pa nitong makipagsabayan ng hanggang anim na minuto sa kada laro. Ito na ang pang-22 season para kay Taulava.

Nasa reserved list lagi ng NLEX  sa Asi sa mga nagdaang season ito.

Kung maaalala, isang beses lamang ito nagwagi ng kampeonato noong 2003 All-Filipino Conference noong ito ay nasa Talk ‘N Text.Rico Navarro