Taumbayan masisiyahan sa SONA ni PBBM – Rep. Marcos

Taumbayan masisiyahan sa SONA ni PBBM – Rep. Marcos

July 25, 2022 @ 3:48 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Ilang oras bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos, mismong ang anak nito na si Ilocos Norte Rep Sandro Marcos ang nagbigay katiyakan na masisiyahan ang taumbayan sa mensahe na ihahatid ng ama sa kauna unahang state address.

“I think people will be very happy with what he has to say,” pahayag ni Marcos sa pagdalo nito sa unang sesyon ng pagbubukas ng 19th Congress.

Tumanggi naman si Marcos na ihayag ang nilalaman ng talumpati ng kanyang ama maliban lamang sa pagsasabing ang maririnig ng taumbayan ay ang syang nais nitong madinig.

“I don’t want to give everything away. But I think everything that we are expecting to hear, you will hear.”pahayag ni Marcos.

Inamin ng batang kongresista na kasama sya ng kanyang ama nang isulat at irehearse ang kanyang SONA speech na ang sentro ay para sa ekonomiya ng bansa.

“I haven’t seen all of it. I’ve seen part of him rehearsing it. It’s going to be on the technical side. but that’s what I think people are looking for, and that’s what I think will signal to our foreign investors, our local investors and of course our legislators who will be listening in as to what the direction is going to be of this administration in the next six years,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Marcos na maaaring magkakaroon ng pagkakapareho sa speech ng kanyang ama at sa lolo nito na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Jr lalo sa istilo ng delivery gayunpaman inaasahang mas maiksi lamang ito.

Una nang sinabi ni Executive Secretary Vic Rodriguez na ang SONA ni Pangulong Marcos ay tututok sa pagbangon at pagtatag ng ekonomiya, food security at sa COVID-19 pandemic. Gail Mendoza