Tax author, pabor sa pagpataw ng excise tax sa junk food

Tax author, pabor sa pagpataw ng excise tax sa junk food

September 12, 2022 @ 7:00 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Naniniwala ang isang propesor na malaki ang magiging epekto sa mga maliliit na negosyo ng panukalang excise tax sa mga junk foods sa bansa.

Sinabi ni Asst. Prof. Enrico Tabag ng UST at isang tax author, professor at practitioner sa na pabor siya na taasan ang buwis sa junk food kung pag-uusapan ang kalusugan ng sambayanan.

“Pabor ako dun kasi ang purpose naman ng gobyerno kung bakit nag-iimpose ng excise tax ay para tayo ay hindi mawili na bumili ng mga sweet and beverages– nang junk foods , mga non-stable food na may salt saka fats kasi ito ay may epekto sa kalusugan natin..saka syempre malaki ang gastos ng gobyerno national health care,” sabi ni Tabag.

Base kasi aniya sa pag-aaral at sa sin tax law noong 2012 na nagpapataw ng buwis sa produksyong tabako at bumaba ang bumibili o gumagamit ng sigarilyo ng 20%.

Ang sin tax ay malaki aniya ang pakinabang sa ating bayan at pondo ng gobyerno dahil maiiwasan ang malaking gastusin sa health.

Aniya ito ang iniisip ng DOH ngayon dahil sa tobacco, ang nagmungkahi rin nito ay ang nasabing Kagawaran.

Ang panukala ng DOH na patawan ng excise tax ang junk foods ay dahil marami na umano ang mga matataba o nagiging obese sa Pilipinas.

Nangangahulugan na ang obesity rate sa bansa ay halos dumoble mula 20.2 porsyento noong 1998 hanggang 36.6 porsiyento noong 2019 sa mga nasa hustong gulang. Jocelyn Tabangcura-Domenden