Tax exemption sa honoraria ng poll workers, oks na sa Senado

Tax exemption sa honoraria ng poll workers, oks na sa Senado

May 30, 2022 @ 7:30 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na layong i-exempt sa buwis ang honoraria ng mga election workers.

Sa botong 17-0-0, inaprubahan ng Senado ang Senate Bill No. 2520 o ang “Tax Exemption on Election Honoraria and Allowances of Poll Workers/ Teachers.”

Sa ilalim nito, hindi na dapat pang kaltasan ng buwis ang honoraria at iba pang benepisyong matatanggap ng mga magsisilbi sa halalan.

Oras na maisabatas, ito ay epektibo ring ipatutupad sa katatapos lamang na May 9 elections.

Ayon sa Department of Education, mahigit 647,000 teaching at non-teaching personnel ang nagsilbi sa eleksyon nitong Mayo.

Ang mga poll worker ay makatatanggap ng mga sumusunod na honoraria at iba pang benepisyo:

  • Chairperson of electoral board – P7,000

  • Members of EB – P6,000

  • DepEd Supervisor Official (DESO) – P5,000

  • Support staff – P3,000

  • Medical personnel – P3,000

Samantala, magbibigay rin ang Commission on Elections ng dagdag na P2,000 sa mga gurong nag-overtime noong botohan dahil sa mga pumalyang vote counting machines at SD cards. RNT/ JCM