Tax exemption sa insentibo sa mga atleta isinulong sa Kamara

Tax exemption sa insentibo sa mga atleta isinulong sa Kamara

July 28, 2021 @ 7:09 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Inihain sa Kamara ang isang resolusyong mag-aabswelto sa buwis at iba pang bayarin sa mga insentibong matatanggap ng isang national athlete.

Sa House Bill 9891 o Hidilyn Diaz Act of 2021 ni House committee on ways and means chairperson Joey Salceda, hindi papatanawan ng buwis ang monetary donations at rewards ng isang national athlete at coach.

Aamyendahan nito ang Section 4 ng Republic Act No. 10699.

“I run after big-time smugglers and tax evaders. The foregone taxes are just too small to even both collecting, not to mention diminishing the honor and national pride our athletes have gifted us,” pahayag ni Salceda.

“I’m not willing to rain on national pride by insisting that we collect taxes on our national athletes. Neither should the law. So we will change the law,” dagdag ng mambabatas.

Aniya, hindi ipaantala ang deliberasyon sa resolusyon upang ma-enjoy ng mga atleta ang benepisyo.

Niluluto na rin sa Senado ang kaparehas na resolusyon para sa Olympic gold medalist. RNT/ELM


  •  
  •  
  •