Tax-free poll work pay, pension hike sa mahihirap na senior hirit ng CHR

Tax-free poll work pay, pension hike sa mahihirap na senior hirit ng CHR

June 3, 2022 @ 3:36 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nananawagan ang Commission on Human Rights (CHR) isa pagsasabatas ng mga panukala ukol sa pagtataas sa buwanang pensyon ng mga indigent senior citizen at paggawad ng tax exemption sa honoraria ng poll workers na nagsilbi noong Halalan 2022.

“CHR is hopeful for the swift passage of the proposed bill to ensure that indigent seniors and poll workers can immediately enjoy the benefits given the rising cost of goods and services,” pahayag ni CHR Executive Director Atty. Jacqueline Ann de Guia nitong Huwebes.

Idinagdag din niya na ang mga panukalang ito “can help alleviate the financial concerns that beset indigent senior citizens while also concretely honoring the hard work of poll watchers.”

Matapos i-adopt ng Kamara ang bersyon ng Senado ng mga naturang panukala nitong Martes, Nakasalalay na ngayon ang pag-apruba sa mga ito kay outgoing President Rodrigo Duterte.

Binigyang-diin din ng CHR na umaasa itong ipagpapatuloy ng pamahalaan “to uplift the lives of the common people,” lalo na ang vulnerable sectors ng komunidad. RNT/SA