Tax sa luxury items ok, Billionaire tax magkakaproblema-solon

Tax sa luxury items ok, Billionaire tax magkakaproblema-solon

January 18, 2023 @ 12:10 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Pabor si House Committee of Ways and Means na patawan ng dagdag-buwis ang mga luxury item, gayunpaman duda ito na makapagpapatupad ng multi-millionaires  billionaires tax.

Ilan sa mga luxury items na balak patawan ng buwis ay ang wristwatches, bags, leather items na ang presyo ayP50,000 pataas.

Ang mga private jet, luxury car na P5 million pataas ay sakop din maging ang pagbebenta ng residential properties na higit P100 million, mga inumin na P20,000 kada bote per bottle, paintings na nasa  P100,000 pataas.

“The committee will definitely pass a measure expanding that list, but we will discuss which items can generate the most revenue for the least effort,” pahayag ni House  Committee Chairman at Albay Rep Joey Salceda.

Ipinaliwanag ni Salceda na sa ilalim ng Section 150 ng tax code ay nasa 20 percent tax ang ipinapataw sa jewelry, perfumes at yate, ang kanilang tinitignan ay itaas ito sa 25 hanggabg  30 percent.

Kung ang nasabing mga item ay bukas ang Kamara na taasan ang buwis,aminado naman itona mahihirapang ipatupad ang wealth tax sa mga Pinoy na bilyonaryo.

“It’s a morally sound idea, but it could be impractical. Net wealth is very mobile and our richest could simply apply for a different citizenship from countries happy to take their wealth, or move their wealth elsewhere, to the detriment of our investment-hungry economy,” paliwanag nito.

Sa halip na ang yaman ng mga bilyonaryo ang patawan ay ang kanilang mga ari arian.

“Taxing luxury consumption and immovable property such as high-value land (the Forbes Parks of this country) is much easier since these taxes are much harder to avoid. It also won’t cause the rich to move the rest of their capital away,” pagtatapos pa ni Salceda. Gail Mendoza