Taxi scam sa Kpop member paiimbestigahan ng MIAA

Taxi scam sa Kpop member paiimbestigahan ng MIAA

October 14, 2022 @ 7:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagkasa na ng imbestigasyon ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa insidente ng overcharging ng isang taxi sa miyembro ng Kpop boy band na Seventeen.

Matatandaan kamakailan ay inihayag ng Seventeen member na si Joshua Hong na siningil siya ng P1,000 pamasahe sa taxi na napag-alaman niyang tatlong beses na mas mataas sa dapat na pamasahe.

“As of the moment, the MIAA is conducting a parallel investigation and is in touch with Mr. Joshua Hong to confirm if the incident happened within the airport premises,” ayon sa MIAA.

Hindi pa sumasagot ang Kpop member sa usaping ito.

Ang pananaga sa pamasahe sa Kpop idol ay agad din na kinondena kamakailan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board at nagbabala sa mga public utility vehicle (PUV) drivers na itigil na ang overcharging sa lokal man o dayuhan na pasahero. RNT/JGC