Tayaan sa casino, pinabababa ni Marcos mula P5M sa $10,000

Tayaan sa casino, pinabababa ni Marcos mula P5M sa $10,000

October 29, 2020 @ 9:28 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ipinanukala ni Senador Imee Marcos nitong Miyerkoles na ibaba ang threshold sa cash transaction sa casino mula sa kasalukuyang P5 milyon tungo sa $10,000 tulad sa ibang bansa upang maiwasan ang money laundering.

Sa pagdinig ng Senate committee on banks, financial institution and currencies na pinamumunuan ni Senador Grace Poe hinggil sa panukalang amendahan ang Anti-Money Laundering Act, sinabi ni Marcos na dapat gumaya ang Pilipinas sa international standard.

“We are in this effort, which is a legitimate and desirable one, that we comply with international standards and yet this is clearly not compliant at P5 million,” aniya.

“Mas mabuti siguro i-lower na rin ‘yung P5 million na yan kasi alam natin na laganap yung online, laganap ang illegal gambling sa ‘tin,” dagdag ni Marcos.

Para naman sa Philippine Gaming Corporation na hindi ginawang “big issue”  ang P5 milyong threshold ng Asia Pacific Group sa kanilang mutual evaluation report

“For the Philippine setting, the mutual evaluation has already evaluated and assessed the Philippine situation and they did not point that [threshold] out as a weakness of our AMLA,”  ayon kay Dave Sevilla, presidente ng Pagcor sa anti-money laundering supervision and enforcement. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...