Tayag bagong DOH Usec.

Tayag bagong DOH Usec.

November 15, 2022 @ 10:34 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines-  Kinumpirma ni Dr. Eric Tayag sa isang panayam na itinalaga siya bilang undersecretary ng Department of Health (DOH) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Sa kabila nito, paglilinaw ni Tayag, hindi siya ang bagong kalihim ng Kagawaran o DOH secretary.

Ginawa ni Tayag ang paglilinaw sa gitna ng mga kumakalat sa social media na siya ay itinalagang kalihim ng ahensya.

Nakatakda aniya ang kaniyang “oath of office” sa susunod na linggo bilang bagong undersecretary.

Si Tayag ay matagal nang nagsisilbi sa DOH at nakilala siya sa pagiging “Dancing Assistant Secretary” o pagsasayaw para mapalakas ang iba’t ibang kampanya ng DOH.

Hiningan naman ng reaksyon si DOH Officer in Charge Usec. Ma. Rosario Vergeire sa appointment kay Tayag, ngunit wala pa siyang tugon. Jocelyn Tabangcura-Domenden