Taylor Swift 4-linggong nanguna sa Billboard 200 Album Chart

Taylor Swift 4-linggong nanguna sa Billboard 200 Album Chart

August 25, 2020 @ 4:00 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines-Nanatili sa unang pwesto ang bagong album na ‘Folklore’ ng tinaguriang pop superstar na si Taylor Swift sa ika-apat na linggo na may equivalent sales na 101,000 sa United States ayon sa Nielsen Music.

Ito ang kauna-unahang Album ng isang babae na nagtagal sa top spot ng deput month nito simula nang Album ni Adelle na “25” nitong katapusan ng 2015.

Sa ika-apat na linggo ng “folklore” album ay nagtaya ito ng 70 million streaming numbers na nagpataob sa dalawang album ng sikat na rap star na sina Pop Smoke na “Shoot for the Stars Aim for the Moon” (123 million) at Juice WRLD na “Legends Never Die” (117 million).

Tinalo ng nasabing album ang mga rapper sa pamamagitan ng 46,000 sales sa buong album nito kung saan nagtala lang naman ang “Shoot for the Stars” ng 2,000 na bumagsak sa No. 2, at ang “Legends Never Die” na naka pagbenta 3,000 na napunta naman sa No. 3 spots.

Gumamit ng iba’t ibang estilo ang tinaguriang pop superstar sa pag-endorse ng kanyang album kabilang na ang 17 physical artwork version ng kanyang album na ibinenta nito sa kanyang sariling website at sa pang-apat na linggo nito ay naglabas naman siya ng mga CD na may signiture niya sa mga maliliit na record shop na agad namang naubos.

Sa pang-apat na nitong linggo ay nakabenta ng mahigit 1.2 million, kasama ang 758,000 na benta ng isang buong album si Taylor.

Tinalo din ng folklore album ang iba pang sikat na album na “Rich Slave,” ni Memphis rapper Young Dolph na nasa No.4 spot at ang Broadway cast album “Hamilton” na nasa No. 5 spot naman. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...