Taylor Swift bibida sa all-star film version ng musical na ‘Cats’.

Taylor Swift bibida sa all-star film version ng musical na ‘Cats’.

July 21, 2018 @ 12:01 PM 4 years ago


Bibida ang pop superstar  at kilala ring ‘cat lover’ na si Taylor Swift  sa film adaptation ng Andrew Lloyd Webber British musical na ‘Cats’.

Talaga namang purr-fect ang pag-cast kay Taylor sa movie adaptation na ito dahil sa kanyang pagiging Cat Lady o ang kahiligan niya sa mga pusa at pagiging total performer nito.

Ang ‘Cats’ ay pang-apat sa longest-running show sa history ng Broadway.

Iikot ito sa isang tribo ng mga pusa na tinatawag na Jellicles at ang pagpili ng kung sinong mapupunta sa Heaviside layer at magkakaroon ng panibagong buhay o ang tinatawag nilang “The Jellicles Choice”.

Ang Oscar-winning filmmaker na si Tom Hooper na nagdala rin ng Les Miserables ang direktor ng movie habang si Lee Hall (Billie Elliot) naman ang writer ng script nito.

Iba pa sa mga sikat na artista na sinasabing kasama sa movie ay sina James Corden, Ian McKellen at Jennifer Hudson na gaganap bilang si Grizabella. Wala pang inilalabas na update tungkol sa role na gagampanan ni Swift.

Gumanap din si Swift sa 2010 romantic comedy na “Valentine’s Day” at sa 2014 science-fiction film na “The Giver” at kasalukuyang may tour hanggang sa Nobyembre. (Remate News Team)