Taytay, Palawan inabot na rin ng oil spill

Taytay, Palawan inabot na rin ng oil spill

March 10, 2023 @ 6:38 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Apektado na rin ang baybay-dagat ng Barangay Casian, Taytay, Palawan dahil sa epekto ng oil spill makaraang lumubog ang MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro.

Nitong Biyernes, Marso 10 ay pinuntahan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naturang barangay matapos matanggap ang impormasyon mula kay Barangay Captain Norbert Lim at sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Taytay.

Ang layo ng Barangay Casian, Taytay, Palawan sa katubigan ng Naujan, Oriental Mindoro ay humigit-kumulang 159 nautical miles o 295 kilometro.

Matapos makumpirma, agad na sinimulan ng PCG ang assessment at paglilinis para maitaguyod ang kaligtasan ng mga residente. Jocelyn Tabangcura-Domenden