TB testing bumagsak ng 59% dahil sa pandemic

TB testing bumagsak ng 59% dahil sa pandemic

September 14, 2021 @ 4:15 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Bumagsak ng 59% ang mga naisagawang tuberculosis (TB) testing sa taong 2020.

Itinuturong dahilan ay ang epekto ng COVID-19 pandemic sa health care system ng bansa ayon sa Department of Health.

Mula sa isang milyon na TB testing noong 2019, lumagpak ito sa 556,000 nitong 2020.

Pababa ang trend nito mula pa 2018 na mayroon namang 1.16 milyon pasyenteng nagpa-test kontra tuberculosis.

“If you will look at the data, ‘yung number of tested patients for tuberculosis talaga pong bumagsak,” paliwanag ni Health Undersecretary Mario Villaverde sa tanong ni Senador Nancy Binay.

“Sa 2020 po, with the effects now of the COVID, kalahati lang po, 556,000 ang current data natin, latest data ng mga na-test sa tuberculosis,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, siniguro naman ng DOH na magpapatuloy ang kanilang TB vaccination at nakahanda rin sa mga posibleng adjustments upang maipagpatuloy pa rin ang programa kontra tuberculosis sa panahon ng pandemya.

Dagdag ni Villaverde, kung maisasabatas ang Comprehensive Tuberculosis Elimination Plan Act ay makapaglalaan sila ng P1.69 bilyon pondo para rito. RNT


  •  
  •  
  •