TD Gorio maaaring maging bagyo-PAGASA

TD Gorio maaaring maging bagyo-PAGASA

August 4, 2021 @ 2:16 PM 6 months ago


MANILA – Inaasahang maging ganap na bagyo si Tropical Depression Gorio sa susunod na 12 oras ngunit hindi ito direktang makaaapekto sa lagay ng panahon ng bansa, ayon sa PAGASA.

Huling namataan si Gorio sa 730 kilometro hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes na may taglay na hangin na aabot sa 45 kph malapit sa gitna at bugsong aabot sa 55 kph sa bilis na 20 kph patungong silangan hilagang-silangang direksyon.

Wala pang nakataas na tropical cyclone wind signal dahil kay Gorio.

Ayon sa ahensya, inaasahang lumabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) umaga ng Huwebes.

Samantala, nagpapaulan pa rin sa bansa ang habagat.

Magiging bahagya hanggang sa malalakas ang ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at ilang parte ng kanlurang bahagi ng Central at Southern Luzon. RNT/ELM