Teacher, inalok ng iPhone ang 2 estudyante kapalit ng sex

Teacher, inalok ng iPhone ang 2 estudyante kapalit ng sex

July 1, 2018 @ 5:10 PM 4 years ago


New York — Inaresto ng mga pulis ang isang 70-anyos na math teacher sa Long Island matapos umano niyang alukin ng pera at ng top-of-the-line iPhone ang dalawa niyang estudyante na 16-anyos kapalit ng nude photos at sex.
Kinasuhan ang teacher na si Jairo Inswasty ng “endangering the welfare of a child” at agad siyang sinuspinde sa pagtuturo sa Central Islip High School.
Ayon sa Suffolk County Police, binayaran ni Inswasty ang isang estudyante ng $5 para sa isang bikini photo habang ang isa ay $150 para naman sa nude photos.
Hindi pa nakuntento, sinabi ni Police Commissioner Geraldine Hart na inalok naman ni Inswasty ang isang estudyante ng iPhone X para makipagtalik sa kanya.
Tumanggi gayunman ang estudyante at isinumbong ang guro.
Inaresto siya ng mga pulis at ang hawak na matibay na ebidensya laban sa kanya ay ang kanya mismong cellphone. (NATS TABOY)