Teachers’ group dismayado sa pagpapataw ng 20% buwis sa election workers’ pay

Teachers’ group dismayado sa pagpapataw ng 20% buwis sa election workers’ pay

April 30, 2022 @ 11:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng isang teachers’ group nitong Sabado na ang 20 porsyentong buwis sa bayad sa election workers, na karamihan ay mga guro, sa Halalan 2022 ay ipatutupad “for the first time.”

“Itong P10,000 for the chair of the Electoral Board and P9,000 for the members ay mababawasan ito ng 20 percent tax for the first time,” ani Benjo Basas, chairperson ng Teachers’ Dignity Coalition.

Nagprotesta ang kanyang grupo at iba pang mga guro sa buwis, subalit iginiit ng finance department ng Bureau of Internal Revenue na ito ang batas.

Subalit inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang dagdag na P2,000 sa honoraria at allowance ng election workers, dahil sa inaasahang mas matagal na pagsasagwa ng Halalan 2022 dahil sa COVID-19 pandemic.

Narito ang inaprubahang honoraria para sa poll workers:

  • Chairperson ng EB – P7,000

  • Mga miyembro ng EB – P6,000

  • DESO – P5,000

  • Support staff – P3,000

  • Medical personnel – P3,000

Sinabi rin ni Basas na dapat umanong nagdeklara ang Election Service Reform Act of 2016 ng tax exemption sa sahod ng poll workers.

Suportado naman ng isang Comelec commissioner ang hiling ng mga guro na magsisilbi sa eleksyon, subalit aniya’y hindi ito desisyon ng ahensya. RNT/SA