Teaching supplies allowance ng mga guro pinatataasan

Teaching supplies allowance ng mga guro pinatataasan

September 19, 2022 @ 7:43 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Isang panukala ang inihain sa Kamara ni Quezon City Rep. Patrick Michael Vargas na nagsusulong na gawing P10,000 ang dating P5,000 na teaching supplies allowance ng mga guro.

Sa ilalim ng House Bill No. 4072 o Teaching Supplies Allowance Bill sinabi ni Vargas na nararapat lamang na taasan ang supplies allowance ng mga public school teachers upang mas magampanan nito ang kanilang tungkulin at maging magaan ang kanilang pagtuturo.

“When we provide Filipino educators with the proper support they need, we maximize the potential of our education sector and ensure the bright future of our nation”pahayag ni Vargas.

Sa ilalim ng Joint Circular ng Department of Education (DepEd) at Department of Budget and Management (DBM) ay P5,000 ang teaching allowance subalit para kay Vargas ay kulang ito sa harap na rin ng pagtaas ng presyo ng bilihin at marami din na gastusin ang mga guro gaya ng internet at communication expenses.

Ang kaparehas na panukala ay naihain na noong 17th at 18th Congress subalit hindi ito umasad sa House Committee in Appropriations at naaprubahan lamang sa Committee level, umaasa si Vargas na ngayong 19th Congress ay susuportahan na ito ng kanyang kapwa mambabatas sa harap na rin pagbabalik na face to face classes. Gail Mendoza