Team Azkals wagi vs Brunei, bigong umabante sa semis

Team Azkals wagi vs Brunei, bigong umabante sa semis

February 21, 2022 @ 1:29 PM 4 months ago


MANILA, Phlippines – Tinapos ng Pilipinas ang kampanya nito sa AFF U-23 Youth Championship na ginanap sa Cambodia sa mataas na marka sa pamamagitan ng 2-1 tagumpay laban sa Brunei.

Matapos ang walang puntos sa unang kalahati, naihatid nina Dennis Chung at Sandro Reyes ang dalawang goal para sa Pilipinas.

Samantala, ginawa ni Muhammad Hakeme Yazid bin Said ang nag-iisang goal para sa Brunei sa 59′ mark.

Parehong nabigo ang dalawang bansa na umabante sa semis dahil ang Timor-Leste ang nanguna sa Group A. Samantala, ang Cambodia ay maaaring umabante batay sa ranking.

Nagrehistro ang Pilipinas ng panalo, tabla, at pagkatalo sa torneo.Rico Navarro