Team onwer sa MPBL ‘di pa bayad sa mga player

Team onwer sa MPBL ‘di pa bayad sa mga player

January 18, 2022 @ 2:50 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Isang buwan na ang nakaraan matapos ang Chooks to go invitational Cup MPBL, hindi pa rin naibibigay ng team owner ang kalahating buwan na kakulangan sa suweldo ng mga player nito.

Ayon daw sa team manager ng koponan, abala umano ang  kanilang boss sa paglibot libot sa mga lugar para pagiging  kandidato nito bilang  pagkapangulo ng bansa

Sa kalagayan ngayon dahil sa pandemic, kahit papaano ay malaking bagay rin kalahating buwan na sahod ng mga manlalaro ng team na ito, lalo na para sa kanilang pamilya.

May badget si team owner sa pagkapangulo pero hindi nito agad maibigay ang balanse sa mga player ng team. Ano lang ba yung kakapiranggot  na sweldo.

Pero may pangmudmod siya sa mga kababayan natin sa bawat puntahan nitong lugar para magpalakas sa mga tao..

Ito naman si team manager at head coach ng koponan, bakit hindi nila kausaping mabuti si team owner  dahil kapag kumalat ang ‘di pagbabayad sa kanyang mga players kasiraan ito ng kanilang boss at tiyak pagpipiyestahan into ng mga kalaban niyang  politiko.HULA WHOOPS?Dwayne Rituel.