Team owner galit sa isa niyang player

Team owner galit sa isa niyang player

April 8, 2021 @ 3:52 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Kung mati-trade ang star player na ito ay siguradong gustong-gusto ng basketbolista dahil pakiramdam ng player ay mainit sa kanya ang ulo ng may-ari ng koponan.

Hindi nga ito nakasama noong nagkaroon ng bubble dahil may injury ito kaya tuwang-tuwa ito at nakalalabas siya.

May nagsabi na tumatalon sa tuwa ang dating NCAA player hinggil sa nababalitaan nitong ililipat siya ng ibang team, pero itinanggi naman ito ng owner dahil kailangan umano nila ang player.

Kilala naman ang koponang ito na mahilig mag-deny, pero kapag the price is right ay mabilis pa sa alas-kwarto ang pagbigay sa player. Marahil nagpapataas pa ng presyo kasi nga de-kalibre ang basketbolista.

MVP at SMC group ang nagkakainteres sa player. Kasi nga mahusay at matapang ang player na ito at mapakikinabangan. HULA WHOOPS? Dwayne Rituel


  •  
  •  
  •