Team PH chef de mission sa Paris Olympics, pinakilala

Team PH chef de mission sa Paris Olympics, pinakilala

February 7, 2023 @ 4:35 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Magsisilbi si Cavite Governor Jonvic Remulla bilang chef de mission (CDM) ng Team Philippines sa 2024 Paris Olympic Games, ayon sa Philippine Olympic Committee.

Pinalitan ni Remulla, ang honorary chairperson ng asosasyon sa paggaod, si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio, na umatras dahil sa mga responsibilidad at obligasyon sa pamumuno sa SBP, PLDT at Smart.

“Naiintindihan namin ang sitwasyon ni Al [Panlilio] kaya nagpasya kaming magtalaga ng bagong CDM para sa Paris Olympics, isang taong may matinding hilig sa sports, isang tunay na sportsman, isang taong may pamumuno, isang workhorse at iyon ay si Governor Jonvic [Remulla],” ayon sa POC.

Si Remulla, 55, ay team manager ng University of the Philippines Fighting Maroons, na nanalo ng men’s basketball title sa UAAP noong nakaraang taon.

“Gusto ng POC ng dedikadong sportsman o personalidad na kayang tumupad sa mga responsibilidad at obligasyon bilang CDM sa Paris,” ayon sa statement ng POC.

Sinabi ng POC na ang pagtatalaga ng isang CDM na hindi isang national sports association president ay may kani-kaniyang precedent, na binanggit ang papel na ibinigay kay First Gentleman Jose Miguel Arroyo noong ang Pilipinas ay nagho-host ng 2005 Southeast Asian Games.

“Tinanggap niya [Remulla] ang posisyon nang walang pag-aalinlangan at talagang masaya siya at nasasabik sa kanyang papel bilang Paris Olympics CDM. We, at ng POC, are confident that he can get the job done .. he’s a true sportsman and very dedicated to helping athletes,” anin ng POC.

Inihayag din ni Tolentino ang pagtatalaga kay wrestling association president Alvin Aguilar bilang CDM sa World Combat Games at rugby federation head na si Ada Milby sa 2024 Winter Olympic Youth Games.

Parehong ang Paris Olympics (Hulyo 26 hanggang Agosto 11) at ang Winter Olympic Youth Games (Ene. 19 hanggang Peb. 1) sa Gangwon Province, South Korea ay naka-iskedyul sa susunod na taon, habang ang World Combat Games ay gaganapin mula Oktubre 21 hanggang 30 ngayong taon sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia.JC