Team USA hiniya ng Australia

Team USA hiniya ng Australia

July 13, 2021 @ 11:08 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nalasap ng Team USA ang nakahihiyang ikalawang pagkatalo sa pre-Olypmic exhibition games matapos ilampaso ng Australia sa iskor na 91-83.

Nanguna para sa panalo ng Australia si San Antonio guard Patty Mills na umiskor ng 22 points sa labang ginanap sa Las Vegas.

Umambag din sa panalo ng Boomers si Utah Jazz swingman Joe Ingles na tumarak ng 17 points.

Maraming fans ng USA Team ang pumupuna na malabo umanong makakuha ng gold medal sa Olympic ang kinatatakutang basketball team sa mundo matapos ang back-to-back na pagkatalo nito sa kanilang Olympic tune up games.

Unang napahiya ang Team USA sa naging pagkatalo sa Nigeria, 87-90 noong Sabado at sumunod ay sa Australia.

Kahanga-hanga ang Nigeria dahil naipanalo rin nila ang sunod nilang game kontra Argentina sa iskor na 94-71 nitong Lunes.

Nanguna sa opensa ng Team USA si Damian Lillard na may 22 points.

Inaasahang gagawin lang ni coach Gregg Popovich ang lahat ng adjustment para makuha ang chemistry ng team upang makuha ang gold medal sa Olympics.JC