Teaser ng comeback movie ni Nadine, nag-trending!

Teaser ng comeback movie ni Nadine, nag-trending!

February 10, 2022 @ 9:54 AM 4 months ago


Manila, Philippines – Ayun! Pinag-uusapan na naman ng mga ‘Marites’ si Nadine Lustre after ng pag-release ng official teaser ng kanyang comeback movie na “Greed”.

Ang “Greed” ang first movie ni Nadine sa Viva pagkatapos nilang magkaroon ng animosity.

Sa totoo lang ay very intense ang short clip ng series of  scenes ng teaser kasama sina Diego Loyzaga at Epy Quizon.

Hmmm, mulhang marami ang na-excite sa comeback film ni Nadine, directed by Yam Laranas.

Ang nasabing movie ay ipapalabas sa online streaming ng VivaMax ngunit wala pang release date na ina-announce.

Year 2009 ‘yun nang officially ay naging part ng Viva fam si Nadine. Ilang beses ding na-renew ang kanyamg contract hanggang nitong huli ay mag-e-end ang kanyang contract sa June 29, 2029 na kanyang inalmahan.

Nagkaroon ng legal battle sa pagitan nina Nadine at ng Viva na nagtapos sa desisyon ng korte na dapat ay i-honor mg aktres ang kanyang contractual obligations with VAA.

However, nu’ng November last year ay sinabi ni Nadine na open siya to an amicable settlement para ma-resolve ang legal dispute with Viva Artists Agency (VAA). Joey Sarmiento