Ted Failon, magbibigay ng P2K kay Hidilyn!

Ted Failon, magbibigay ng P2K kay Hidilyn!

August 2, 2021 @ 8:33 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Natawa ako nang mapakinggan ko na nagbibiruan sina Ted Failon at DJ Chacha sa radio program nila tungkol kay Hidilyn Diaz.

Sabi kasi ni Ted, bibigyan  niya raw si Hidilyn ng P2,000.00 bilang premyo sa pagiging gold medalist nito sa olympics. Kaya lang, baka raw hindi ito pansinin ni Hidilyn.

Sabi naman ni DJ Chacha pagkarinig ng sinabi ni Ted, ay baka ibalik pa raw ‘yun ni Hidilyn sa kanya at ito pa raw ang magbigay sa kanya ng P2K.

Parang pinapalabas ni DJ Chacha na balewala na lang ang P2K kay Hidilyn dahil ang mga premyong binigay dito ay condo unit at milyon-milyong pera. Pero, P2,000 is P2,000. Pera na rin ‘yun kung tutuusin, ‘di ba? Rommel Placente


  •  
  •  
  •