Ted Failon, may hanash sa fake news!

Ted Failon, may hanash sa fake news!

March 12, 2023 @ 12:35 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – In full force ang halos lahat ng mga A-listers sa Radyo Singko nang ni-launch ito recently bilang Radyo5 TRUE FM.

Sa lahat nang nandu’n ay natutok ang karamihan sa nga tanong kay Ted Failon na beterano na sa radio industry.

FYI ay nagsimula si Manong Ted sa ABS-CBN DZMM at nang hindi ito nakapag-renew ng prangkisa ay lumipat na sa Radyo Singko.

Bilang veteran na sa broadcast industry ay kinunan si Manong Ted ng reaksyon tungkol sa naglipanang mga fake news sa social media.

“Nakakalungkot pero totoo ‘yan. Dahil sa paglaganap ng social media, e, lumaganap din ang fake news. Kaya ako, I’m not really into social media. Wala nga akong Facebook, wala akong Twitter account and IG account.

“At sa gitna ng mga naglipanang fake news, e, kailangan nating paglabanan ‘yan ngayon ng totoo at tunay na bakita. ‘Yun namam ang dapat dahil deserving ang mga tao na maging informed ng mga tunay na balita at hindi ‘yung fake news,” sabi ni Manong Ted.

Tama!

At sa bagong Radyo Singko ay in-introduce din nila ang Citizen’s Journalist at ang Mobile Journalist or MoJo.

Si Manong Ted ang nagte-train sa mga MoJo.

“I need to be honest na hindi ako conpetent sa vlogging kaya what I can do, sa mga mobile journalist ng Radyo Singko, tine-train ko sila ng basic live reporting. Sila kasi ang tinatawag na one-man team. Sila ang cameraman, editor, reporter and sila rin ang naghahanap ng balita so napakaimportante ng training na dapat maalis ang kaba ng reporter kapag tinawag ng anchor and establish confidence while reporting,” sabi pa ni Ted.

Sa mga Citizen Journalist naman, hiling niya na sana ay mas dumami pa ang mga ito at pagjo-joke niya na sana, mas lumaki pa ang kita.

Binanggit din ni Maning Ted na hindi mamamatay ang radyo kahit na sinasabing mas tinatangkilik ng generation ngayon ang online media.

“Radio is the most affordable medium, babagsak ang lahat but radio will be there. Sa panahon ng emergency and kalamidad, wala ang lahat pero nandiyan ang radyo. Kaya definitely, radio will be here.

“Ang lahat ng klase ng media platform ay mag-e-evolve pero ang radyo, nandyan lagi and masasandalan ng mga tao lalo na ang TRUE FM, 92.3,” sabi ni Failon.

Hinabol din ni Manong Ted na ang radyo ang kanyang first love mula noon hanggang ngayon at nasa radyo raw siya hanggang sa malagutan ng hininga.

“Kaya magpapa-stem cell na rin ako,” joke ulit ni Ted.

Banggit din ni Manong Ted na meron silang pabida sa kanilang programa sa Radyo Singko tuwing umaga kasama si DJ Chacha at namimigay sila ng premyo ng P2k.

Anyway, ayon kay Mam Chery Bayle, ang 92.3 Radyo5 TRUE FM ay may hatid na bagong era sa pagbabalita at pagpapalaganap ng serbisyo publiko. May bagong logo na rin ang nasabing station at may bagong tagline pa na “Dito tayo sa totoo!”

Kasama rin ni Manong Ted sina Mon Gualvez,

Lourd De Veyra, Noli Eala, Danton Remoto, Bro. Jun Banaag, Cheryl Cosim, Dr. Edinell Calvario, Cristy Fermin, Stanley Chi, Laila Chikadora at si Sen. Raffy Tulfo. JP Ignacio