Tedros: Pagtukoy sa mitsa ng COVID, ‘moral imperative’

Tedros: Pagtukoy sa mitsa ng COVID, ‘moral imperative’

March 13, 2023 @ 9:28 AM 2 weeks ago


GENEVA- Isang “moral imperative” ang [pagdiskubre sa pinagmulan ng COVID-19, at dapat siyasatin lahat ng hypotheses, ayon sa pinuno ng World Health Organization, sa pinakamalinaw na indikasyon na nananatiling committed ang UN body sa pagtukoy sa pinagmulan ng virus.

Batay sa ulat ng Wall Street Journal, sa pagsusuri ng isang US agensy, sinisilip nito ang posibilidad na nagmula ang virus sa hindi sinasadyang Chinese laboratory leak. Itinanggi ito ng Beijing , na maaaring isapubliko sa pagboto ng US House of Representatives ngayong linggo para i-declassify ito..

“Understanding #COVID19’s origins and exploring all hypotheses remains: a scientific imperative, to help us prevent future outbreaks (and) a moral imperative, for the sake of the millions of people who died and those who live with #LongCOVID,” pahayag ni Tedros Adhanom Ghebreyesus sa Twitter nitong Sabado.

Ito ay tatlong taon matapos unang gamitin ng WHO ang salitang “pandemic” para isalarawan ang global outbreak ng COVID-19.

Noong 2021, isang linggong namalagi ang WHO-led team sa Wuhan, China kung saan unang naiulat ang human cases ng COVID-19 at sinabi sa joint report na posibleng naipasa ang virus mula sa mga paniki sa mga tao sa pamamagitan ng ibang hayop, subalit kailangan pa ng mas malalim na pagsusuri. Sinabi naman ng China na hindi na kinakailangan pa ng pagbisita.

Mula noon, nagtalaga ang WHO ng scientific advisory group on dangerous pathogens subalit wala pa irong konklusyon kung paano nagsimula ang pandemya, at sinabing nawawala ang mahahalagang datos. RNT/SA