Teehankee nanumpa kay PBBM bilang kinatawan ng Pinas sa WTO

Teehankee nanumpa kay PBBM bilang kinatawan ng Pinas sa WTO

July 16, 2022 @ 10:45 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang oath-taking ni Ambassador Manuel Antonio Teehankee bilang Philippine Permanent Representative sa World Trade Organization (WTO).

Malinaw na tapos na ang isolation period ng Pangulo matapos na mag-positibo sa COVID-19 antigen test noong nakaraang linggo.

“Pagkatapos ng ating isolation period, tayo ay nakipag-usap kay Ambassador Manuel Antonio Teehankee at pinangunahan ang kaniyang panunumpa bilang,” ayon sa Chief Executive.

Sa kabilang dako, si Tehankee ay naging ambassador sa naturang posisyon mula 2004 hanggang 2011 at hanggang 2017 sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Si Tehankee na isang Ateneo School of Law professor ay naging chairperson ng WTO Committee on Trade and Environment mula 2008 hanggang Oktubre 2011.

Sa naturang panahon din ni dating Pangulong Duterte ay naging Ambassador at Philippine Permanent Representative to the WTO.

Samantala, present naman sa courtesy call ni Teehankee sina Executive Secretary Victor Rodriguez, Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo Jr., at Presidential Management Staff Secretary Maria Zenaida Angping. Kris Jose