Teejay Marquez, pina-barangay ng fan!

Teejay Marquez, pina-barangay ng fan!

February 4, 2022 @ 4:09 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Ang “Takas” na isang suspense thriller movie, na bida sina Teejay, Marquez, David Chua at ang tinanghal na Miss World Philippines 2021 second runner-up na si Janelle Lewis, ay produced ng Hand Held Entertainment Productions. Ang executive producer ay si Miss Kate Javier na isang Certified Public Accountant, enterpreneur, corporate executive and a mother to a 5 year old son.

Mula sa direksyon ni Ray An Dulay ang nasabing pelikula. At ang story at screenplay ay mula naman sa kanyang misis na si Joyzelle Dulay.

“Ako rito si Jake. Isa akong artista. May isang fan na obsess sa akin, si Belle, na ginagampanan ni Janelle. Pinadukot niya ako. Tapos pinahirapan, sinaktan, pinatutuluan niya ako ng kandila, sinasaksak,” kwento ni Teejay sa kanyang role sa Takas.

In real life ba ay may na-obsess na sa kanyang isang fan?

“Meron na. Pina-barangay pa niya ako,” sagot ni Teejay,

“Kasi, iniwanan ko raw siya. Gusto niya raw akong makaharap. E, hindi naman naging kami.

“Natatawa na nga lang ‘yung mga kamag-anak ko sa baranggay, kasi kilala nila ako.

“Mabuti raw sana kung nabuntis ko ‘yung girl, tapos iniwan ko, pwede niya akong kasuhan.

“Kaso nga hindi ko naman siya kilala. Paano magiging kami?”paliwanag pa ni Teejay.

Gaya ng title ng pelikula nila, paano ang ginawa niyang pagtakas du’n sa obsessed fan niya?

“Well, hindi ko na lang siya pinansin.

“Nakatatlong beses siyang bumalik sa barangay, pero hindi ko talaga siya pinuntahan du’n.

“Kasi, unang-una takot akong ma-picture-an. Baka sabihin na kaya ako nandu’n, para magpaliwanag dahil talagang may ginawa ako sa kanyang hindi maganda.

“Ayun napagod, hindi na bumalik sa barangay.”

Hindi makapaniwala si Teejay na totoong may nangyayari na nao-obsess ang isang fan sa hinahangaan o idolo nila.

“Grabe! Hindi ko akalain na ‘yung nangyayari sa pelikula, gaya sa movie naming Takas, ay nangyayari rin pala sa totoong buhay.”

Siya ba, saan nao-obsess?

“Well, nao-obsess ako sa ano ba? Sa aso, sa mga maaanghang na pagkain.

“Ngayon, sa Marvel, ‘yung mga ganyan lang.”

How about sa love?

“Sa love? Well, of course, binibigay ko lahat sa pagmamahal.

“Pero hindi pa dumarating sa point na ganoon ka-sobra,”

Ang streaming nito ay from February 15 to 19. Rommel Placente