Teenage pregnancy, bumaba ng 5.4% noong 2022

Teenage pregnancy, bumaba ng 5.4% noong 2022

January 24, 2023 @ 3:48 PM 4 days ago


MANILA, Philippines- Bumaba ang teenage pregnancy  ng mga Filipino na may edad na 15 hanggang 19 taong gulang mula 8.6% noong 2017 sa  5.4% noong 2022.

Ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA), ang pigura ng mga nagdalang-tao ay 13.3%  na may edad na 19; 5.9%  ang 18 taong gulang; 5.6% ang 17 taong gulang at 1.7%  ang 16 taong gulang habang 1.4%  naman ang 15 taong gulang.

Sinabi ng PSA na  0.4%  ng mga buntis ay dumanas ng pregnancy loss o nakunan.

Samantala, makikita naman sa data mula  sa PSA na ang  teenage pregnancy ay mataas sa  rural areas na may 6.1% kumpara sa urban areas na may 4.8%.

Nakapagtala naman ang Northern Mindanao ng pinakamataas na porsiyento na 10.9%,  sinundan ng Davao Region na may 8.2%, Central Luzon na may 8%, at Caraga na may 7.7%.

Ang  Ilocos Region at Bicol Region ay kapuwa nakapagtala ng mababa na may  2.4%.

Ayon sa PSA, “the percentage of teenage pregnancy also decreases with increasing wealth quantile.”

Tinuran ng PSA na isa mula sa 10 kababaihan na may edad na  15 hanggang 19 ay mula sa “the poorest quantile” o 10.3% ay nagdalang-tao habang 1.8% ng mga kababaihan sa “the wealthiest quantile” ang nabuntis.

“Among teenagers who are currently pregnant, the trend is also decreasing from poorest to wealthiest,” ayon sa PSA.

Sinsabing 2.8% ng mga kababaihan sa “the poorest quantile” ay kasalukuyang buntis, mas mataas sa 0.7%  ng mga kababaihan sa “the wealthiest quantile.”

Pagdating sa  educational attainment, sinabi ng PSA na “teenage pregnancy was most common among those who completed grade levels 1 to 6 at 19.1%.”

“Percentage of teenage pregnancy decreases as educational attainment increases,” ayon sa PSA.

“5.3% completed grades level 7 to 19, 4.8% completed grades 11 to 12, and 1.9% attained college level,” ayon pa rin sa PSA.

Samantala, may kabuuang 27,821  kababaihan na may edad mula 15 hanggang  49  mula sa 30,372 sample households noong 2022 ang nakapanayam ng PSA. Kris Jose