Telcos inatasan ng NTC na tiyaking handa ang kanilang mga tauhan at kagamitan sa mga lugar na apektado ng bagyong Karding

Telcos inatasan ng NTC na tiyaking handa ang kanilang mga tauhan at kagamitan sa mga lugar na apektado ng bagyong Karding

September 23, 2022 @ 2:13 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng public telecommunications entities na tiyakin ang kahandaan sa pinsalang maaring idulot ng bagyong Karding.

Sa inilabas na memorandum ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, iniutos nito ang pagtitiyak na mayroong sapat na bilang ng technical at support personnel, standby generators na may extra fuel, at iba pang gamit sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.

Iniutos din ni Cordoba na madaliin ang repair at restoration ng telecommunication services kung mayroong naapektuhan ng bagyo.

Kasabay nito ay inatasan din ang mga network company na magtalaga ng Libreng Tawag at Libreng Charging Stations sa mga apektadong lugar. RNT