Telcos inatasan ng NTC na tiyaking handa ang mga tauhan at kagamitan sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Maymay

Telcos inatasan ng NTC na tiyaking handa ang mga tauhan at kagamitan sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Maymay

October 14, 2022 @ 5:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng public telecommunications entities na tiyakin na handa sa pinsalang maaring idinulot ng bagyong Maymay.

Bagaman humina at naging isang Low Pressure Area na lamang ay nakapagdulot ng pagbaha ang nasbaing bagyo sa ilang mga lugar sa Luzon partikular sa Cagayan Valley.

Bago naging LPA ang bagyo ay nagdulot ng malakas na pag-ulan sa Cagayan Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province at Ifugao.

Sa inilabas na memorandum ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, iniutos nito ang pagtitiyak na mayroong sapat na bilang ng technical at support personnel, standby generators na may extra fuel, at iba pang gamit sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.

Iniutos din ni Cordoba na madaliin ang repair at restoration ng telecommunication services kung mayroong naapektuhan ng bagyo.

Kasabay nito ay inatasan din ang mga network company na magtalaga ng Libreng Tawag at Libreng Charging Stations sa mga naapektuhang lugar. RNT