Tell-all ni Carla kay Luis, clickbait!

Tell-all ni Carla kay Luis, clickbait!

November 9, 2022 @ 6:30 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Mismong si Carla Abellana ang nagbansag na clickbait ang naging panayam sa kanya ni Luis Manzano.

Luis’ latest vlog on Lucky TV had Carla as his subject of a lengthy interview on Luis Listens.

May teaser pa itong “there’s a time to be silent and there’s a time to finally speak up.”

It was packaged in a way na aabangan ang pagsasalita ni Carla.

Siyempre, what the netizens were expecting ay ang pagsasalita ni Carla tungkol sa dating asawang si Tom Rodriguez.

Nagsimula ‘yon sa pagtatanong ni Luis ng tatlong funny questions.

Ito’y kung saan tinanong si Carla na kung saan nakapuwesto ang mga ngipin niya in case she only had two teeth.

Sununod ay kung ano ang mas pipiliin ng Kapuso actress: dumighay ng utot o umutot ng dighay.

The last question ay kung payag ba si Carla na work from home pero ang trabaho niya’y embalmer o embalsamador.

In fairness, Carla gamely answered those questions sa paraang seryoso.

Sinundan ito ng mga taong on life, career at mga naging karanasan ni Carla before she got into showbiz.

Nakakainip ang panayam na ‘yon in the sense na ibinibinitin ang inaabangan ng lahat as promised in the teaser.

Sa bandang huli’y tinanong ni Luis what made Carla decide to speak up.

Kunwari’y nagpapahid pa ng luha si Carla who simply said na panahon na raw.

At bigla silang nagtawanan.

Obyus na hindi intensyon ng vlog ni Luis to delve into Carla’s private life.

Mismo ngang si Carla called it clickbait for the purpose of luring the netizens to watch it.

Isa naman sa mga libu-libong comments ay: “Ito ang clickbait na hindi ako nagalit.”

While most netizens felt they were shortchanged, what else could be expected?

Kung magpapaunlak ng tell-all interview si Carla ay bakit nga naman kay Luis who belongs to a rival channel?

And had Carla granted Luis a tell-all interview, eh ‘di insulto nga naman ‘yon sa home network niya. Ronnie Carrasco III